Thursday, January 6, 2011

Friendship? Habang buhay yan..

"Friends Forever!" Ganyan ang palaging sinasabi ng mga magkakaibigan. Pero di naman nagtatagal, umaalis din sila, nang-iiwan at tuluyan nang mawawala ang pagkakaibigan. Ganun na ba ang definition ng "forever" ngayon? Hindi ba ang ibig sabihin nun eh "habang buhay", pero bakit nagiging "sandalaing panahon" na lang ang pagkakaibigan?

Ang buhay natin, parang sasakyan lang yan na patuloy na umaandar hanngang madating nito ang kanyang destinasyon. And along the way, madaming iba't- ibang klase ng tao ang makikisakay sa sasakyan  mo. Maaaring nakisakay sila para samahan ka sa pagtawa, damayan ka sa pag-iyak at turuan ka ng mga bagay-bagay. At ang mga taong ito ang tinatawag na KAIBIGAN. May mga pagkakataon na may bababa ng sasakyan at may mga bagong sasakay. Pero maswerte ka kapag may sumakay at hindi na bumaba pa. Sila yung mga taong sasama na sa'yo hanggang sa dulo ng byahe mo at palaging angdyan sa tabi mo, whether in bad or good times. They are the people who will accept you  as you, no questions ask. They are what you call TRUE FRIENDS.


Teka, True Friends? Naalala ko tuloy yung mga kaibigan ko. Before, we use to call each other TF!(true friends).
Originally, we're five in the group. Pero sa paglipas ng panahon, unti-unti na kaming nauubos hanggang sa dalawa na lang kaming naiwan. But they're still here. Di naman sila umalis, madami lang ang nagbago. And to tell the truth, nalulungkot ako. Ang sakit, kung iisipin mo na parang nasayang lang yung friendship namin dahil hindi naalagaan. But I was wrong, hindi naman pala nasayang. I strongly believe na nangyari yun because GOD wants us to learn something from it. Wala naman Siyang plano na nakasama sakin eh. There are just things that are not meant to be forever.
FRIENDS, if you will try to look at it, makikita mo na parang pare-pareho lang sila ng role sa buhay mo. Pero mali, mukha lang yang pare-pareho but the real thing is, mag-iiwan sila ng magkakaibang memories and lesson that will be forever be remembered by you. Yan ang tunay na definition ng FRIENDS FOREVER, wala man sila ngayon sa tabi mo, as long as nasa puso mo lahat ng memories na kasama mo sila, mananatili kayong magkakaibigan, forever yan. :)

Sunday, January 2, 2011

Handa na ba ako?

Napakabilis talaga ng panahon. di ko namalayan na apat na taon na pala ang nagdaan. parang kahapon lang, natatakot pa akong pumasok sa unang araw ng eskwela. Pero ngayon, tingnan mo ko, ginawa ng tahanan ang paaralan. Mas matagal pa ang oras na ginugol ko dito kaysa sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong maging masaya dahil sa wakas, pagkatapos ng mahabang taon ng paghihirap at pagsusunog ng kilay ay matatanggap ko na rin ang aking diploma. Diploma, isang kapirasong papel lang naman yun, pero bakit  lahat tayo ay naghihirap para makuha yun? Sa totoo lang, higit akong natatakot sa nalalapit kong pagtatapos, yun ay kung papasa ako. Na-realize ko na mas madali pala mag-enroll kaysa grumadweyt. Hindi ko kasi alam kung ano ang naghihintay sakin sa oras na lumabas na aako ng unubersidad na apat na taon ko ring pinagtyagaan. May takot din akong baka hindi ako makakuha agad ng trabaho. Para sa akin, mas masaya pa rin ang mag-aral. Kahit may mga professors na mahirap pakisamahan, ok lang. Atleast, wala kang ibang gagawin kundi ang mag-aral. Higit kong mamimiss ang mga kaibigan ko na nakasama ko sa loob ng paaralan. Sila ang mga taong pinapagaan ang mga bagay-bagay. Mga taong handang tumulong kapag may kailngan ka. Ang sarap sanang isipin na nandyan sila palagi.
Pero nandito na ako, wala nang atrasan pa. Hindi na pwedeng bumalik. Wala na akong ibang magagawa kundi ang ipagpatuloy ang aking nasimulan. Bawal maging duwag. Kung ano man ang nasa hinaharap, Diyos lang ang may alam. Hindi dapat matakot. Kailangan lang magtiwala. But for now, iienjoy ko lang muna ang pagiging estudyante dahil hindi ko na pwedeng ibalik ang oras at ang mga taong makakasama ko sa mga oras na ito.

Saturday, January 1, 2011

Huling sulat kay 2010..


25 minutes and its all gone! Goodbye 2010 & hello 2011! Ano naman kaya ang naghihintay sa'kin for this year? Hmmm? Parang ayoko munang isipin. Personally, ayoko pa kasing iwanan ka 2010 e. Naging the BEST kasi ang year na ito for me. Although madami pa ring beses na sumablay ako, hindi naman nun mahihigitan ang lahat ng BLESSINGS na natanggap ko from the Man Above. Ewan ko, siguro, masasabi ko talaga na I'm totally transformed this 2010! Transformed emotionally, morally and spiritually. Walang kahit na anong salita ang pwedeng mag describe ng 2010 ko. Kung pwede ko nga lang sana itigil saglit ang oras, gagawin ko, kahit mga 1 hour lang para mag stay pa ako sayo. Pero syempre, its impossible. All I have to do is to move forward. Salubungin ang new year with GOOD vibes and positive mind. Ayoko pang mag-goodbye sayo, 2010 ko pero kailangan kong umusad at harapin ang bukas. Well, I guess, till then, I will miss you 2010! Salamat at naging mabait ka sa'kin. Sana si 2011 din, kasing bait mo. Mamaya, countdown na. Sasabay ako! Gusto ko na ring sumama sa bagong taon! 13 more minutes, paalam kaibigan, 2010 kong mahal. Salamat sa masasayang alaala sa iyo. Masaya ako. Heto, :) isang ngiti, pabaon ko para sayo.