Sunday, January 2, 2011

Handa na ba ako?

Napakabilis talaga ng panahon. di ko namalayan na apat na taon na pala ang nagdaan. parang kahapon lang, natatakot pa akong pumasok sa unang araw ng eskwela. Pero ngayon, tingnan mo ko, ginawa ng tahanan ang paaralan. Mas matagal pa ang oras na ginugol ko dito kaysa sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong maging masaya dahil sa wakas, pagkatapos ng mahabang taon ng paghihirap at pagsusunog ng kilay ay matatanggap ko na rin ang aking diploma. Diploma, isang kapirasong papel lang naman yun, pero bakit  lahat tayo ay naghihirap para makuha yun? Sa totoo lang, higit akong natatakot sa nalalapit kong pagtatapos, yun ay kung papasa ako. Na-realize ko na mas madali pala mag-enroll kaysa grumadweyt. Hindi ko kasi alam kung ano ang naghihintay sakin sa oras na lumabas na aako ng unubersidad na apat na taon ko ring pinagtyagaan. May takot din akong baka hindi ako makakuha agad ng trabaho. Para sa akin, mas masaya pa rin ang mag-aral. Kahit may mga professors na mahirap pakisamahan, ok lang. Atleast, wala kang ibang gagawin kundi ang mag-aral. Higit kong mamimiss ang mga kaibigan ko na nakasama ko sa loob ng paaralan. Sila ang mga taong pinapagaan ang mga bagay-bagay. Mga taong handang tumulong kapag may kailngan ka. Ang sarap sanang isipin na nandyan sila palagi.
Pero nandito na ako, wala nang atrasan pa. Hindi na pwedeng bumalik. Wala na akong ibang magagawa kundi ang ipagpatuloy ang aking nasimulan. Bawal maging duwag. Kung ano man ang nasa hinaharap, Diyos lang ang may alam. Hindi dapat matakot. Kailangan lang magtiwala. But for now, iienjoy ko lang muna ang pagiging estudyante dahil hindi ko na pwedeng ibalik ang oras at ang mga taong makakasama ko sa mga oras na ito.

No comments:

Post a Comment